Selling Apple Iphones 32gb 3gs at a very low price!


Php 30,000.00 negotiable!

* brand new from US
* for only 30k negotiable!
* white color
* sealed
* with Apple warranty

Apple iPhone 3G S, built-in 3 Megapixel Camera and digital compass, let you do everything on iPhone 3G S is up to 2x faster and more responsive than iPhone 3G. Shoot and edit a mini-masterpiece right on iPhone 3G S. Record high-quality video, trim it to the perfect length, and share it any way you want with 3G connection.

Package content
1 Apple iPhone 3G S Phone
1 Battery
1 Charger
1 Data Cable
1 Stereo Handsfree
1 User's Guide


All our iphones are Brand New, Factory Sealed in the Box, comes with complete accessories and comes with 1 year manufacturer’s warranty and guaranteed to work with all carriers .

Pm me or we can chat thru ym.

Yahoo Chat: tonibulatao@yahoo.com

I freaking love you



Wow... a third blog entry about you, wait... isn't that some kind of freaky medical condition? Anyways, see how special you are to me? I'm writing yet another post that shows how completely, utterly, and truly in love I am with you...everyday is better than the last, and this is just the beginning.

Over the last few months, you and I have learned so much about one another... We share so many things in common, so many stories to tell...How could you help but think that there's a higher plan to us meeting? You understand me, and accepts me for who I am, flaws and all. You have made it easy for me to fall in love with you, to need you, and to accept you too, unconditionally. We never planned for this, it was all so unexpected, but I guess real love is like that. I'm right where I belong, in your arms, and I'm in yours.

You are my best friend, my confidant, my lover, and so much more... I can't picture my
life without you now, and I don't want to...

Thank you for coming into my
life baby... thank you for being everything that you are, and most of all, thank you for giving our love a chance to grow. I know that we can make it all work, together,side by side.

You are, without a doubt, my every dream come true, my every wish granted, and my every prayer answered. I love you baby, forever and ever, and a day...


on love and being inlove...






INLOVE ka ba or LOVE mo sya? Akala ko dati pareho lang pero iba pala!

It's definitely different when you love someone and when you're inlove with someone. Alin nga ba ang mas malalim? Loving someone or Being in love with someone? Marami sa atin ang na-confuse tungkol dito.

Ikaw ba ay may girlfriend o boyfriend ngayon? Mahal mo ba siya pero parang may isang tao na parang mahalaga din sayo? O may mahal ka na akala mo eh mahal mo nga siya pero meron ka pa rin isang tao na minamahal ng totoo? Kapag love mo ang isang tao masaya ka...Feeling mo ok na ang lahat...

Pero ang ma-inlove ka, ang siyang pinakamasakit sa lahat! Kasi ang mga taong inlove ay ang mga taong ngsasakripisyo at nagpaparaya. Teka bakit ka nga ba nagpaparaya? Dahil ba hindi ka niya mahal o dahil hindi ka siguradong ok lang sa kanya? Kung yan ang dahilan mo, walang duda na inlove ka nga sa kanya.
Kasi iniisip mo kung anong meron kayo sa ngayon ang tanging mahalaga at kuntento ka na.

Pero isipin mo, paano kung mawala ang taong yun at talagang hindi na kayo mag-usap at magkita, kaya mo ba? Paano naman kung sayo siya inlove at ibinigay niya ang lahat para sayo pero hindi mo napahalagahan ang lahat ng ito kaagad? Paano kung isang araw naguluhan na siya sayo ng husto at maisipang lumayo na lang? Paano kung sa sobrang pagiging iba mo sa kanya di ka na niya kausapin at tuldukan na niya ng tuluyan kung ano na ang meron kayo? Then bigla mong na realize kung gaano ka importante sayo ang bawat isa kaya lang wala na siya! Kaya mo ba? Kung hindi ang sagot mo, malinaw na inlove ka nga...

Paano naman pag mahal mo lang? Kapag mahal mo lang, alam mo na palagi kang may choice, ayaw mo siyang mawala dahil alam mong wala kang ipapalit. Yung masaya ka sa kanya pero sa gabi hindi naman siya ang iniisip mo. Mahal mo siya pero aminado ka sa sarili mo na balang araw hindi siya ang pakakasalan mo. Mahal mo siya pero ang puso mo hindi lang para sa kanya...Mahal mo at masasaktan ka pag nawala siya pero alam mo na kaya mo yun.

Now tell me what you feel... Do you love someone or you're inlove with someone?

Ako? I am inlove! Deeply inlove with someone ...bakit ko nasabi?

well, because of him, I smile without reason...
I miss him... I worry... I compromise...
I wanna look good kahit di nya ako nakikita...
I feel special and secure
I feel connected and protected
I have this glowing aura
I long to be with him
I love the sound of his voice esp when he whispers
I daydream about him off and on, replaying pieces of our conversation
Hearing him breathe is ok na
His out of tune voice is music to my ears
He makes me look forward to mornings

I can enumerate a lot of things and still not enough to express how much I feel for him. I love him unconditionally, not expecting anything in return...just enjoying what we have now.

He accepts me as I am, loves me with my flaws and all. He lets me be me. He has a big heart, so honest and true. He calms my inner fears, making sure I'm always ok. I can feel the sincerity when he speaks...the classy, elegance when he talks. I keep thinking of how much I love talking to him, how much I love his laugh. He is such a spoiler, gives in to my requests. He's everything a woman would want in a guy ..oh wait he's not just a guy..he is a MAN! A man that is very gentle and sensitive. He has all the qualities that makes a man a real man.

Ang sarap niyang magmahal at mahalin...and hell yeah, I am so inlove with him! I constantly think of ways to make him smile. But then again, this love I feel for him is not 'owning'. Making him freakishly happy is my mission...

I love him without conditions...without reservations...without holding back...

I wonder what will happen when we finally be together and eventhough neither of us know what the future holds, I know one thing for sure ... He is the best thing that ever happened to me!


Ikaw...


I am another year older today. Yes, birthday ko ngayon! Dati - rati it was just another day for me. Nothing special. Walang handa. Walang regalo. Usually greetings lang from friends and family ang nakukuha ko. But I don't feel bad about it. Ok lang. Ganun talaga. I am just thankful na God has given me another year. Pero today, iba! I am celebrating the happiest birthday ever! Ganun pa rin, walang handa, walang gimik but I have the most wonderful gift from above...Ikaw!

Ikaw na nagmamahal sa akin ng buong puso.
Ikaw na nagbibigay inspirasyon sa kin.
Ikaw na nagbibigay kulay sa dati kong black and white na mundo.
Ikaw na dahilan ng mga ngiti ko sa labi.
Ikaw na dahilan kung bakit gusto ko gumising sa madaling araw.
Ikaw na dahilan kung bakit gusto ko mag-diet.
Ikaw na dahilan kung bakit gusto ko magpa-rebond ng buhok.
Ikaw na handa akong gawin lahat para sa ikaliligaya mo.
Ikaw na dahilan ng taimtim kong pagdarasal para sa tuluyan mong paggaling.
Ikaw na dahilan ng pagiging malawak ng aking pang unawa.
Ikaw na dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko, ng bawat kilig, ng lahat ng antisipasyon.
Ikaw na bigay ng maykapal.
Ikaw na lahat lahat sa buhay ko ngayon...at ikaw na dahilan ng pagsusulat kong muli.

Salamat mahal ko! Salamat sa ligayang dulot ng pagmamahal mo. Di mahalaga yung sasabihin ng iba, basta mahal kita. Wag ka ng mag-isip pa dahil handa akong tanggapin kung ano ka. Basta't para sayo ako'y magmamahal muli, handa akong masaktan kahit paulit-ulit. Masaktan man ako, di na mahalaga dahil di naman mapapantayan ang kaligayahan ko sa piling mo.

Ikaw ang aking mahal...
Ang panghabangbuhay kong kaibigan...
At sa bawat araw na nagdaraan, lalo lamang tumitindi ang pananabik kong mahalin ka ng lubos!





Leave me alone muna...





yan na yata ang pinakamasakit na sinabi mo sakin... leave u alone??? ano ba nagawa ko? I just wanted to spend time with you. kasalanan ko ba if things are not working the way we expect them to be?? I know it's not pero you made me feel na kasalanan ko. you make me feel guilty. ang alam ko lang naman na kasalanan ko e mahalin ka.


you should've not asked me to be your girlfriend...regrets? yeah now I regret accepting your offer. hindi dahil nagsisisi ako kundi dahil sobra mo na kong nasasaktan. sabi ko sa sarili ko 'ok lang'...it's the same level of pain anyway...having you in this situation and not having you at all. at least with this, I can show you how much I feel for you and we both make each other happy pero habang tumatagal parang lamang na ang pain. sabi ko kaya ko. mindset lang. pinasok ko 'to na alam ko mula pa sa umpisa so dapat kaya kong harapin ang consequences.

nakikita ko naman ang effort mo, nararamdaman ko naman na mahal mo din ako. we look forward on so many things together pero di na yata mangyayarin yun. malabo ng mangyari. simpleng negatibong sitwasyon na hindi ko naman kasalanan, you pushed me away. to think na ang kabutihan mo pa ang lagi kong iniisip...i don't want you to get into any trouble. you almost got into a mess at ayokong mangyari ulit yun.

alam mong sa mga panahong ito, sa yo lang umiikot ang mundo ko. lahat ng ginagawa ko ay dahil sa inspirasyon na dulot mo. masaya ako sa 'yo. di ako humihingi ng sobra. kinakaya ko lahat. di ko alam kung hanggang kailan, hanggang saan. sabi ng isip ko ayoko na but my heart keeps on fighting for you. ang sakit isipin na you can easily push me away. wala lang pala ako sa'yo.


Tag ni Bloomiful

10 True random things about me daw....ano ano nga ba?

1. In love pa rin ako sa taong ikakasal na...

2. I started working when I was 16, nag umpisa sa mga food chains (Jollibee, Mcd0, etc). Tapos lahat ng paging companies ( Easycall, Infopage, Index 152), working student kasi ako.

3. Nag OJT ako sa 97.1 DWLS FM, tagabasa ng newsflash and taga answer ng phonecalls.

4. I worked my way through college. Ako nagpaaral sa sarili ko kaya medyo matagal bago ako naka graduate pero that is something that I really am proud of.

5. Nakapunta na ako sa Davao, Cebu, Naga, Tuguegarao, Pangasinan, Pampanga, Baguio, Sagada, Boracay, Puerto Galera, at sa Penang, Malaysia. Courtesy ng dati kong trabaho.

6. Ako breadwinner samin kaya di pa rin ako nag-aasawa...hahaha!

7. I love kids. Sobra. Sumasama ako sa mga charity works na involve ang mga kids kasi wala naman akong maibibigay kundi time lang.

8. I have a big heart. Pag meron ako bigay lang ako ng bigay. Kaya lang nadi-disappoint ako minsan kasi pag ako na wala, wala akong makuhanan..ganun ata talaga..hahaha!

9. Di ako pihikan sa pagkain. Kahit ano kakainin ko basta edible.

10. Last but not the least..muka akong mataray pero sobrang bait ako hahaha...open minded ako. Mahaba ang patience and I always think of the positive side of the person even if he/she did me wrong. Hahanapan ko ng dahilan bakit nya nagawa.

So ayan, sorry bloomiful now lang ha. Love ya lil' sis!

Set me free, leave me be...

Nagising akong disoriented na naman sa oras at panahon. Blanko ang isip ko. Ni hindi ko maalala kung ano ang huli kong ginawa. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko naalala ang lahat.

Nag-umpisa na naman dumaloy ang luha sa aking mga mata. Ang hapdi na sobra ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ang sakit sakit sobra. Sabihin man ng lahat na OA na pero wala akong magawa. Kahit ako mismo pakiramdam ko OA na sobra. Pero ayaw pa rin tumigil ang mga matang to sa pagluha. Ilang sandali pa nakaramdam ako ng pananakit ng sikmura. Di pa pala ako kumakain simula kahapon. Naghilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at sanay na ang mga magulang ko sa ganitong itsura ng mga mata ko. Hindi na nila ako uusisain kung bakit namamaga na naman ang mga ito.

Pinilit kong kumain kahit wala akong gana. Halos di ko malunok ang pagkain sa bibig ko. Kung pwede lang na hindi na kumain. Wala talaga akong gana.

Bakit ganito nararamdaman ko? Kahapon kasi ng mag online ako, nagulat ako ako sa nakita ko...offline messages at missed calls galing sa'yo. Sabi mo namimiss mo ako. Parang gripo ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Niyakap ko ang akin unan at nahiga. Miss na miss na kita…

Napansin kong nagbblink ang cellphone ko kaya bumangon akong muli para tignan ang cellphone ko. Nung i-check ko, “3 missed calls” galing sayo. Bakit ka tumatawag? Assuming lang ba ako na namimiss mo na akong kausap?
Nag-usap tayo sandali. Inamin ko na rin ang ilang araw ko ng nararamdaman. Masama ang pakiramdam ko. Marami akong gustong sabihin sayo… my heart is bleeding everytime na kailangan kitang i-deny… Bakit ba mahal kita? Bakit ikaw pa?

Bakit kasi hindi puwede? Bakit kung kailan feeling ko na kaya ko na, na makakalimutan din kita, andyan ka na naman...something always brings me back to you.

Gusto ko ako ang nasa tabi mo…. gusto kitang laging nakakausap… gusto kitang makasama… gusto kitang mayakap… gusto kitang alagaan… gusto kitang pagsilbihan… marami akong gustong gawin para sayo… lahat para sayo… gagawing lahat para SA'YO.

Namiss kita sobra… Iisipin ko na lang na katabi kita habang natutulog ng mahimbing. Yayakapin na lang kita kahit sa isip ko lang hanggang sa makatulog na rin ako. Sana kahit malayo ako ay maramdaman mo ang mga yakap ko… Mahal na mahal kita…

You know I always wanna hold you close but it seems too impossible cuz you’re so far from me now… and all I can do is to just keep on imagining and dreaming that someday I can make you mine…. just mine…